Over a week in Senator Bam Aquino’s Facebook page, he had a post through a Facebook note as he wants to address this problem. He really has the point as you can read his statement in full:
Nais ni Senador Bam Aquino na imbestigahan kung hindi naaagrabyado ang mga consumer sa ibinibigay na Internet service ng telecommunication companies. Ginawa ng senador ang pagkilos matapos lumabas ang ulat na nangungulelat ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia pagdating sa bilis ng Internet. Ayon sa isang infographic na inilabas ng ASEAN DNA, ang Pilipinas ay naunahan pa ng (3.6 megabytes per second) ng Laos (4.0 Mbps), Indonesia (4.1 Mbps), Myanmar, Brunei (4.9 Mbps), Malaysia (5.5 Mbps) at Cambodia (5.7 Mbps). Kabilang naman sa mga bansa na ang bilis ng Internet ay mataas sa ASEAN average na 12.4 MBPS ay Vietnam(13.1) , Thailand (17.7) at Singapore. Gusto ring malaman ng senador kung bakit mas mabilis at mas mura ang Internet ng ilang mga kalapit bansa habang nagtitiis ang Pilipinas sa mabagal na koneksyon.
“Marami tayong natatanggap na reklamo ukol sa kabiguan ng provider na ibigay ang ipinangakong bilis ng Internet, na nagreresulta sa mabagal na koneksiyon,”wika ng senador. Kadalasan, nagbabayad ang consumer ng P1,000 kada buwan sa Internet service na may bilis na hanggang two megabyte kada segundo o MBPS habang ang ibang telecommunication companies ay naniningil ng P2,000 para sa Internet na may bilis na limang MBPS.
“Mahal ito kumpara sa Singapore at Thailand kung saan makikita ang isa sa pinakamabilis na Internet connection sa mundo,” wika ni Aquino. Ayon sa senador, ang Singtel, na siyang pinakamalaking telecommunications company sa Singapore, ay nag-aalok ng 15 megabytes kada segundo ng Internet speed para sa 36.90 Singapore dollars o P1,312 kada buwan (P87 kada MPBS).
Ang True Internet ng Thailand naman ay mayroong 12 MBPS ng koneksiyon para sa bayad na 799 baht o P1,100 (P92 kada MBPS).
“Kailangan ba nating magbayad ng mahal para sa mabagal at kung minsan ay hindi maasahang Internet connection? Dapat magbigay ng malinaw na paliwanag ang NTC ukol dito,” giit ng senador. Idinagdag ng senador na kasama sa imbestigasyon ang paghahanap ng mga paraan kung paano mapapabilis ang Internet sa bansa, na mahalaga sa paglago ng ekonomiya.
“Kailangang mabilis tayong makahanap ng paraan kung paano mapapabilis an gating Internet, lalo’t papalapit na ang ASEAN Economic Integration sa susunod na taon,” wika ng senador.
Personally, I hope that this will push through so that more Filipinos will have more chance to access the internet either thru a smartphone/tablet or thru a computer